Linggo, Abril 12, 2009

AMPALAYANG MAY LAHOK NA HIPONG MALIIT

AMPALAYANG MAY LAHOK NA HIPONG MALIIT

Mga Sangkap;

3 ampalaya o amargoso
3 bagong itlog ng manok
3 hinog na kamatis
4 na kutsarang hipong maliit
1 sibuyas
3 butil na bawang
3 kutsarang mantika
katamtamang asin

Paraan;

Gagayatin ang mga ampalaya o amargoso ng manipis at lalamasin sa dalawang dakot ng asin, upang lumabas ng katas at ibabad sa tubig sa loob ng dalawang oras at bawa't kalahating oras at papalitan ng tubig at pipigaing mabuti ang ampalaya. Magpapabango ng bawang sa mantika, saka isusunod ang sibuyas at kamatis sa loob ng 15 minuto. Katapus-tapusan ay ilalahok ang itlog na binati at hahanguin agad sa pagkasigang ang niluluto.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento