Huwebes, Abril 09, 2009

ARROZ ALA VALENCIANA

ARROZ ALA VALENCIANA

MGA SANGKAP;

1 ½ tasang malagkit na bigas
1 ½ tasang bigas
1 ½ kutsaritang asin
5 tasang gata
½ tasang mantika
1 dumalagang manok, hiniwa ng katamtamang laki
½ kilong baboy, hiniwa ng katamtamang laki
2 kutsarang bawang, pinitpit
1 malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
1 kutsarang asin
¼ kutsaritang pamintang durog
¼ kutsaritang paprika
6 patatas, hiniwa sa apat na bahagi at prinito ng bahagya
1 maliit na lata ng gisantes
1 siling pula, hiniwa ng pahaba
2 nilagang itlog
buto ng achuete
tinadtad na parsley

PARAAN;

Sa isang kawali, pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang ordinaryong. Bigas at gata at timplahan ng asin. Haluin ng paminsan-minsan upang hindi dumikit sa kawali. Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi. Sa parehong mantika, ilagay ang achuete hanggang sa ito'y kumulay. Alisin ang buto ng achuete. Igisa ang bawang at sibuyas at ibuhos ang tomato sauce. Timplahan ng asin at paminta. Idagdag ang karne at pakuluan hanggang maluto. Ilagay ang karne. Idagdag ang ordinaryo at malagkit na bigas. Haluing mabuti. Ilagay ang natitirang sangkap maliban sa itlog at parsley. Ihain sa isang malaking plato at palamutian ng itlog at parsley.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento