Linggo, Abril 12, 2009

ARROZ ALA CUBANA

ARROZ ALA CUBANA

Mga Sangkap:

1 malaking kamatis
1 puswelong bigas
1 sibuyas bumbay
3 saging sa saba
2 piniritong itlog ng manok
½ librang karne
½ puswelong pasas
½ kutsaritang asin
paminta
Isaing ang bigas at itabi

Paraan;

Gayatin ang sibuyas at kamatis at igisa sa mantika. Isunod ang pasas at ang hiniwang saging sa saba. Ilaga ang karne, at kapag malambot na ay ilagay sa isang bandehado. Ipaligid dito ang iba pang sangkap. Sa ibabaw ng karne ay ilagay ang piniritong itlog.

1 komento:

  1. wala nmng larawan!!!!kc pag my larawan parang mas masarap di ba?

    TumugonBurahin