Manok Galantina
Mga Sangkap:
1 buong manok na inalisan ng buto
1 kutsara ng toyo
½ kutsarita ng asin
½ tasa ng keso na ginadgad
½ tasang celery na tinadtad na
¼ ng pickle relish cheddar cheese, hiniwa
¼ kutsarita ng sili, dinikdik
4-5 karot na hiniwa na
5 itlog na binate
500 gramo ng chorizo, giniling na
2 lata ng Vienna sausage(magtira ng 2 piraso para sa palaman)
Paraan ng Pagluluto:
Ibabad ang manok sa toyo, sili, asin at katas ng kalamansi sa loob ng isang oras. O dili kaya para maging malasa, sa loob ng magdamag sa loob ng pridyeder. Pagsamahin ang lahat ng mga sangkap para sa palaman(stuffing) at punuin ang manok. Tahiin ang nakabukas na parte ng dahan dahan. Ibalot sa palara(Foil) o cheese cloth at pakuluan sa chicken stock sa loob ng 30 hanggang 15 minuto. Palamigin at alisin sa palara.
Para sa Sarsa: Magtunaw ng dalawang kutsara ng butter,magdagdag ng 3 kutsara ng arina at dahan-dahang buhusan ng 2 tasa ng chicken broth(chicken stock) Haluin paminsan-minsan para hindi masyadong lumapot. Magdagdag ng 1 kutsarita ng gatas at timplahan ng asin, sili, at isang kurot ng basil leaves. Lutuin hanggang sa ang pagkakahalo-halo ay maging malapot na sarsa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento