Linggo, Abril 12, 2009

ARROZ ALA VALENCIANA

ARROZ ALA VALENCIANA

Mga Sangkap:

1 manok o sisiw
5 nilagang itlog
4 siling kastila
5 kamatis
1 ½ tasang bigas o malagkit
½ kilong longganisa
3 sibuyas, hiniwa
2 kutsarang mantikilya

Paraan;

Ang mga sisiw o manok ay nararapat na lutuing mauna. Ilalagay sa isang kawali ang katatagang dami ng mantika sa bigas na ihahalo, lalagyan ng hiniwang bawang, at kapag nangangamoy na ay isama ang pirasong sisiw o manok, pagkaraan ng ilang sandali ay isusunod ang siling malalaking mura na hiniwang pahaba, gisantes , at garbanzos. Pagkatapo na malutong mabuti at magisa ang lahat ng ito ay sasabawan ng tubig o sabaw ng putsero, magdikdik ng luyang dilaw at paminta na ihahalo sa sabaw, at kapag ito'y kumukulo na ay ihahalo ang bigas at hahaluin ng sandok ng tumalatag na mabuti sa ilalim ang bigas at pumaibabaw ang mga sangkap. Pagkatapos ay tatakpan at hahayaang maluto at kainin. Ang ihahalong bigas ay hugasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento