Linggo, Abril 12, 2009

BOPIS

BOPIS

MGA SANGKAP;

½ pulgadang luya, hiniwa-hiwa
½ tasang baga ng baboy
1 tasang atay ng baboy
½ tasang bato ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
½ tasang puso ng baboy
¼ tasang tubig
3 kutsarang mantika
1 kutsaritang bawang, pinitpit
1 sibuyas, tinadtad
¾ tasang kamatis, hiniwa-hiwa
asin, paminta
1 tasang kakang gata
4 siling labuyo, tinadtad
¼ tasang siling berde, tinadtad

PARAAN;

Pakuluan ang baga, puso at bato ng baboy sa tubig ng may luya ng 30 minuto upang maalis ang lansa nito. Ilagay sa isang tabi. Tadtarin ng pinung-pino. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang tinadtad na laman loob ng baboy. Timplahan ng asin at paminta. Pakuluan ng 10 minuto o hanggang malapit ng matuyuan. Ibuhos ang gata. Ihuli ang mga sili, kung nanaisin, gawing mas maanghang ang timpla ng bopis.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento