Lunes, Abril 06, 2009

Manok na Barbecue

Manok na Barbecue

Mga sangkap:

1 kutsarang bawang na pinitpit
1 sibuyas na tinadtad ng pinong pino
2 kutsarang suka
3 patak ng Tabasco(mabibili ng naka bote)
4 kutsarang Worcestershire sauce(mabibili ng naka bote)
1 kutsaritang asin
2 kutsarang ketsup
½ tasang mantikang pamprito
2 manok o isang manok na may timbang na mahigit na isang kilo

Paraan ng pagluluto:

Hugasan ng mabuti ang manok, kung nabili ito sa mga supermarket o maging sa palengke. Hiwain ayon sa gusting hiwa. Painitin ang kawaling paglulutuan. Ilagay ang mantikang pamprito. Kapag mainit na, ilagay ang manok at papulahin(golden brown)
Pagsama-samahin ang ketsup, asukal, asin, Worcestershire, suka, Tabasco, sibuyas at bawang. Haluing mabuti at ilagay sa pinapulang manok sa lutuan o kawali.
Ipagpatuloy ang pagkakasalang sa mahinang apoy lamang sa loob ng 10 minuto. Haluin paminsan minsan. Ihain ng mainit pa. Lasap na lasap ang taglay na sarap ng nilutong manok.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento