Narito ang isang Bersyon ng ADOBONG MANOK:
ADOBONG MANOK SA GATA
Mga Sangkap:
1 kilo ng manok na hiniwa syon sa gustong laki
1/2 tasa ng suka
2 piraso ng bawang na dinurog o dinikdik
2 piraso ng siling labuyo
1 maliit na piraso ng luya
1/4 kutsarita ng paminta durog
1 maliit na dahong laurel
1 kutsarita ng asin
1/2 tasa ng malapot na gata ng niyog
3 kutsara ng mantikang pamprito
Pamamaraan:
Pagsamahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa gata ng niyog at pabayaang magkahalo-halo sa loob ng 30 minuto(ibabad ng 30 minuto). ilagay sa kawali, takpan at pasulakin hanggang sa lumambot ang manok.
Patuluin at itabi ang naging sabaw. Magpainit ng mantika sa isang kawali at iprito ang manok hanggang pumula. Ibuhos ang lahat ng taba mula sa pinagprituhan. Magdagdag uli ng sarsa at pasulakin ng walang takip hanggang sa ang likido o sabaw ay maging 1 1/4 tasa na lamang.
idagdag ang gata ng niyog. Haluin sa pamamagitan ng sandok. iluto pa ng may 2 hanggang 3 minuto. Ihainb ng mainit.
Maaring ulamin ng anim katao.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento