Pakam na Manok sa Buko
Mga Sangkap:
180gramong boneless na manok(Pwede ring chicken Breast)
1 kutsarita ng veg. cooking oil
1 piraso ng puti ng itlog
½ buko shell(bao ng niyog
½ tasa ng kakang gata
½ tasa ng sabaw ng buko
½ tasa ng chicken stock
2 kutsarita ng suka
3gramo ng lemon grass(tanlad)
5gramo ng dilaw na luya
5gramo ng tinadtad na sibuyas
Paraan ng Pagluluto:
Igisa ang manok hanggang sa ito ay maging Brown. Idagdag ang tinadtad na sibuyas at ang suka. Bayaang kumulo muna hanggang sa kumaunti ang suka. Kapag medyo namuo na ang karne idagdag ang lemon grass, luya, asin at betsin.
Ibuhos ang kakang gata at haluin hangang sa makitang kumukulo ang sarsa nito. Kapag malambot na ang manok alisin sa apoy at ibuhos O isalin sa Bao ng niyog.
Ilagay ang binating puti ng itlog sa ibabaw ng manok at ilagay sa oven broiler hangang sa ang manok ay maging golden brown..
Ihain ng mainit.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento