Linggo, Abril 12, 2009

BUFFALO WINGS

BUFFALO WINGS

MGA SANGKAP;

1 kilong pakpak ng manok
¼ tasang mantikilya
¼ tasang hot sauce
1 kutsarang sukang puti
mantikang pamprito
asin
paminta

PARAAN;

Budburan ng asin at paminta ang manok. Ilagay sa isang tabi. Sa isang malalim na kaldero, magpainit ng mantikang pamprito. Iprito dito ang manok hanggang sa ito'y lumutong. Patuluin sa paper towel ang nalutong manok. Sa isang sauce pan, tunawin ang mantikilya. Isunod ang hot sauce at suka. Haluin mabuti. Kapag nagsama-sama ang lahat ng timpla, ilagay ang manok upang mabalutan ito ng sauce. Masarap na isawsaw sa blue cheese dip.

2 komento:

  1. Pa, ito yung ginagawa nating pulutan diba?

    TumugonBurahin
  2. panu po pg hndi mahilig sa maanghang ang kakain can i put catsup instead?

    TumugonBurahin