Huwebes, Abril 09, 2009

ALIMANGO AT PIPINO

ALIMANGO AT PIPINO

Mga Sangkap:

6 na hinog na kamatis
1 tasang laman ng alimango o alimasag
¼ na tasang suka
2 kutsarang asukal
1 pipino
celery, letsugas, paminta, asin

Paraan;

Banlian ng kumukulong tubig ang mga kamatis. Talupan. Hiwain ang ibabaw. Kayurin ng bahagya ang gitna. Hiwa-hiwain ang paligid ng kamatis para maging mga parang petalo. Budburan ng asin at paminta. Paghaluin ang celery at letsugas (hiniwa ng pino). Isama rin ang laman ng alimango o alimasag. Haluan ng French dressing. Lagyan ng isang kutsara nito ang gitna ng kamatis. Talupan at hiwain ng manipis ang pipino. Itusok sa mga kamatis. Ihain.
 ,

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento