Huwebes, Abril 09, 2009

AGRA DULCE

AGRA DULCE

Mga Sangkap:

1 manok na dumalaga
2 kutsarang toyo
1 kutsaritang betsin
1 kutsaritang asin
1 puswelong arina
4 itlog
1 puswelong suka
1 puswelong tubig
1 puswelong asukal
4 na puswelong atsarang nakabote, hiniwa
2 kutsarang gewgaw

Paraan;

Hiwain ang manok ng pakuwadrado, 1 pulgadang parisukat. Pagsama-samahin ang toyo, asin at betsin at itimpla sa manok. Bayaang 10 hanggang 15 minuto. Pagsamahin ang itlog at arina. Dito ilubog ang bawat piraso ng manok at iprito. Ilagay sa isang kaserola ang suka, tubig at asukal. Haluing mabuti upang matunaw ang asukal. Idagdag ang atsara at manok. Haluing mabuti. Tunawin ang gewgaw sa ½ puswelong tubig at isama sa manok. Haluing mabuti upang hindi magbugal-bugal ang sarsa. Bayaang kuluan ng 5 minuto pa.ihaing may kasamang sinangag na kanin.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento