Huwebes, Abril 09, 2009

ALIMANGONG LUTONG- MAKAW

ALIMANGONG LUTONG- MAKAW

Mga Sangkap:

4 na alimango, katamtaman ang laki
½ puswelong kintsay, hiniwang maliit
1 puswelong tokwa, hiniwang pakuwadrado, ½ pulgada
1 sibuyas
¼ kilong repolyo
2 butil na bawang
1 kutsaritang arina
1 kutsaritang toyo

Paraan;

Ihalabos ang alimango, hindi gaanong luto. Himayin ang laman. Iprito ang tokwa at itabi. Igisa ang bawang, sibuyas at kintsay. Timplahan ng toyo at ihalo ang alimango at repolyo, na hiniwang pahaba at makitid. Isunod ang tokwa. Bayaang ilang sandali sa apoy. Lagyan ng ½ puswelong tubig. Bayaang malanta ang repolyo. Itabi sa gilid ng pinaglulutuan ang mga sangkap at ihalo sa sabaw ang tinunaw na arina. Haluing hanggang sa lumapot.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento