BULAKLAK NG SAGING NA MAY GATA NG NIYOG
Mga Sangkap:
2 bulaklak ng saging
½ niyog
2 kutsaritang suka
2 kamatis na hinog
1 sibuyas
2 butil na bawang
1 kutsarang mantika
Paraan;
Ilalaga ang mga bulaklak ng saging, ang bahaging mura ay gagayating manipis, makaapat na huhugasan at pipigaing mabuti upang lumabas ang katas at dagta na mapait. Magpapabango ng bawang sa mantika at dito igigisa ang kamatis, sibuyas, saka isusunod ang bulaklak ng saging at ang suka. Pababayaan sa apoy ng mga 3 minuto at saka isusunod ang gata at maaari ng ihain ang niluto.