Miyerkules, Nobyembre 11, 2009

PICHI-PICHI





Pichi Pichi Ingredients:

1 – 1/2 cups grated cassava
food coloring (optional)
1 cup sugar
1 bundle of pandan leaves, boiled in 2 cups water until reduced to one cup, and cooled ( or canned pandan concentrate, or a few drops of pandan essence in a cup of warm water)
1/2 tsp lye water* “lihiya”
grated coconut for topping


Pichi Pichi Cooking Instructions:

Mix the sugar and the pandan flavored water and mix until sugar is dissolved. mix in the cassava and then add the lye water drop by drop mixing well as you do so.
Pour into a mold or bowl that fits your bamboo steamer. steam until the mixture becomes translucent.
While still hot scoop out the cooked mixture (use ice cream scoop or a tablespoon the same size as the scoop) and roll into grated coconut.

MAJA BLANCA




1/2 c. thick coconut milk
1 c. rice flour
1 c. sugar
1/2 c. cornstarch
3 tbsp sweet corn kernel
4 c. fresh coconut milk or water
1/2 c. grated frozen buko (optional)


Maja Blanca Cooking Instructions:

Boil thick coconut milk in a saucepan until the oil is extracted and the precipitate forms into a dark brown color. This is called latik. Drain the latik from the oil and set aside.
Grease a 13-inch rectangular dish with coconut oil. Set aside. In a medium saucepan, blend rice flour, sugar,sweet corn kernels, cornstarch, and fresh coconut milk. Stir in grated buko (if used). Boil over slow heat, stirring constantly to prevent lumps, until mixture is clear for about 3-5 minutes.
Pour hot mixture into prepared dish and allow to set. Sprinkle latik on top. Cool before slicing.
When rice flour is not available, soak 2 cups rice in 2 cups water overnight. Put through blender and process until smooth.

MINATAMIS NA SAGING







Ingredients :

6 ripe saba bananas
1/4 c. of honey
a few drops of kalamansi juice
sweetened condensed milk (as much or as little as you want)
6 tbsps. of butter
cinnamon powder

Cooking procedure :

Peel the saba bananas and cut each in half lengthwise.
Melt the butter in a skillet. Fry the bananas in hot butter until lightly browned.
In a clean saucepan, pour the honey and the kalamansi juice. Set over medium heat and add the bananas. Toss to coat each piece well and cook for about a minute and a half. The saba bananas will turn darker shade of brown; they will also be shiny.
Place a few pieces of bananas on a dessert plate. Pour sweetened condensed milk over them. Sprinkle with cinnamon powder. Serve warm.

BRAZO DE MERCEDES (MERENGUE)



Ingredients

Meringue
12 pieces egg white
1 tsp cream of tartar
1 tsp vanilla extract
1 cup sugar
wax paper (so that your meringue won't stick to the pan or tray)


Filling
12 pieces egg yolks
1 cup condensed milk
1 tsp vanilla extract
1 tbsp butter

Steps

Place the egg yolk in a pan and cook over low heat.
Add condensed milk, vanilla, and butter to the pan until it becomes thick.
Set aside to cool.
Put the egg white in a mixing bowl and beat with an electric mixer. Then, blend in the cream of tartar.
Add butter to tray and place wax paper. Then spread the beaten egg white into a stainless steel tray and make sure it is even.
Bake at 300ºF (150ºC) until cooked.
Place aluminum foil a table and flip the baked egg whites to remove it from the tray.
Remove the wax paper and roulette the baked egg white with the filling.
Slice after chilling and eat.

Tips
Roll the baked egg white slowly.
Add butter on the tray so that the wax paper will stick.
Use fresh eggs for easier separation of egg yolk and egg white.

Yema

Yema are custard candies we inherited from Spanish colonizers of 300 years. The candy now is more filipino for we have added our own touch on it.






Ingredients:

2 cans of condensed milk

3 egg yolks

1 tablespoon of melted butter

3 tablespoons of chopped langka (jack fruit)

3 tablespoons of chopped nuts

Procedure:

In a bowl cream the egg yolk and condensed milk. Then pour in a casserole and cook slowly over medium fire. You should continue mixing it to avoid sticking. Cook it until it thickens. Add your chopped nuts and jackfruit. Let it cool and form the shape you want.

2 cans of condensed milk
plastic cellophane for wrapping

Directions:

You will have to use a regular frying pan to get the best result, not the non-stick one.
Pour the condensed milk in pan and put on medium heat.
Using a metal spatula, stir the milk as if you are scraping the bottom of the pan.
This must be done continuously to avoid burning the milk and to prevent it from sticking at the bottom of the pan. This will also ensure that it is cooked evenly.
You can tell that the yema is done if your condensed milk sticky.
Let it cool and wrap in cellophane cut outs for easy serving.

PICHI-PICHI



INGREDIENTS

2 cups cassava, finely grated or cassava flour
2 cups white sugar
2 cups pandan water (2-3 pandan leaves boiled in water, cool and strain)
1 head coconut, grated
sesame seeds, toasted (optional)

PROCEDURE

● In a bowl, mix cassava, sugar and pandan water.
● Pour into individual cup moulds of choice.
● Steam for 45 minutes.
● Let cool.
● Sprinkle with grated coconut.
● Sprinkle with sesame seeds if desired.

SUMAN



INGREDIENTS

3 cups or 1/2 kilo finely grated cassava
1 cup finely grated coconut
1 cup sugar
15 pcs. banana leaves, blanched

PROCEDURE

● Combine cassava, grated coconut and sugar.
● Place measured amounts of cassava mixture on each piece of banana leaves.
● Roll leaf, enclosing filling and fold both ends.
● Keep each suman 1.25 cm thick, 4 cm wide and 12.5 cm long.
● Tie the suman in pairs loosely and keep them in shape.
● Arrange on steamer rack in a staggered pile.
● Steam for 30 minutes, counting time when the live steam starts to form.
● Keep the steamer well-supplied with water to prevent the suman from drying out.
● Serve hot or chilled.

BUKO-FRUIT SALAD








New Year’s Eve noche buena must have a fruit salad on the dinner table. The most popular fruit salad is the Buko salad. The popularity of fruits during New Year’s Eve celebration is part of the tradition to bring in good luck, fortune and prosperity.


Ingredients

5 large cans of Del Monte Fruit Cocktail (Imported)
Grated Coconut meat from 10 buko (young coconut)
2 cans lychees
1 small bottle nata de coco (green)
1 small bottle nata de coco (red)
1 small bottle kaong (green)
1/4 kilo seedless grapes
3 small china apples , cubed
1/4 kilo seedless grapes
1 can condensed milk
2 packs Nestle Cream
1 can Peaches for topping
Few red or green cherries for topping
Fresh Buko, Nata de coco
Fruit Cocktail, Peaches

Procedure

1. Drain the fruits from the can for at least 2 hours. This is to prevent a soggy fruit salad.

2. When all the juices have been drained, mix all the fruits together in a bowl.


3. Add the condensed milk and cream till well blended.

4. Transfer to serving bowls and top with peaches and cherries.


5. Freeze or Refrigerate properly. (Buko spoils if not refrigerated or frozen. I prefer to freeze the rest of the buko salad if it isn’t eaten within the day.)

View photos of the Making of Buko Salad



Read more: http://pinoyfoodblog.com/filipino-food/noche-buena-dishbuko-fruit-salad/#ixzz0WWpLxDKs

Huwebes, Abril 16, 2009

BULAKLAK NG SAGING NA MAY GATA NG NIYOG

BULAKLAK NG SAGING NA MAY GATA NG NIYOG

Mga Sangkap:

2 bulaklak ng saging
½ niyog
2 kutsaritang suka
2 kamatis na hinog
1 sibuyas
2 butil na bawang
1 kutsarang mantika

Paraan;

Ilalaga ang mga bulaklak ng saging, ang bahaging mura ay gagayating manipis, makaapat na huhugasan at pipigaing mabuti upang lumabas ang katas at dagta na mapait. Magpapabango ng bawang sa mantika at dito igigisa ang kamatis, sibuyas, saka isusunod ang bulaklak ng saging at ang suka. Pababayaan sa apoy ng mga 3 minuto at saka isusunod ang gata at maaari ng ihain ang niluto.

Linggo, Abril 12, 2009

BULAKLAK NG SAGING AT BAGOONG NA GINISA

BULAKLAK NG SAGING AT BAGOONG NA GINISA

Mga Sangkap:

2 bulaklak ng saging na saba o latundan
½ tasang bagoong
3 butil na bawang
2 kutsarang mantika

Paraan;

Ilalaga ang sariwang bulaklak ng saging at pagkaluto'y pipigain hanggang sa lumabas ang katas at pagpuputul-putulin ng tigalawang pulgada. Igigisa ang bagoong na isda at ito ang gagawing sawsawan ng bulaklak ng saging.

BUKO, SABAW AT ITLOG

BUKO, SABAW AT ITLOG

Mga Sangkap:

1 tasang buko, kudra-kudraduhin
2 tasang nilagang manok
2-3 kutsaritang asin
2 butil na bawang, dikdikin
1 kutsarang mantika

Paraan;

Igisa ang bawang hanggang pumula. Alisin sa kawali. Isalin ang sabaw ng manok at ihalo ang buko. Timplahan ng asin. Ihaing may tinadtad ng nilagang itlog sa ibabaw.

BUFFALO WINGS

BUFFALO WINGS

MGA SANGKAP;

1 kilong pakpak ng manok
¼ tasang mantikilya
¼ tasang hot sauce
1 kutsarang sukang puti
mantikang pamprito
asin
paminta

PARAAN;

Budburan ng asin at paminta ang manok. Ilagay sa isang tabi. Sa isang malalim na kaldero, magpainit ng mantikang pamprito. Iprito dito ang manok hanggang sa ito'y lumutong. Patuluin sa paper towel ang nalutong manok. Sa isang sauce pan, tunawin ang mantikilya. Isunod ang hot sauce at suka. Haluin mabuti. Kapag nagsama-sama ang lahat ng timpla, ilagay ang manok upang mabalutan ito ng sauce. Masarap na isawsaw sa blue cheese dip.

BOPIS

BOPIS

MGA SANGKAP;

½ pulgadang luya, hiniwa-hiwa
½ tasang baga ng baboy
1 tasang atay ng baboy
½ tasang bato ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
½ tasang puso ng baboy
¼ tasang tubig
3 kutsarang mantika
1 kutsaritang bawang, pinitpit
1 sibuyas, tinadtad
¾ tasang kamatis, hiniwa-hiwa
asin, paminta
1 tasang kakang gata
4 siling labuyo, tinadtad
¼ tasang siling berde, tinadtad

PARAAN;

Pakuluan ang baga, puso at bato ng baboy sa tubig ng may luya ng 30 minuto upang maalis ang lansa nito. Ilagay sa isang tabi. Tadtarin ng pinung-pino. Sa isang kawali, igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang tinadtad na laman loob ng baboy. Timplahan ng asin at paminta. Pakuluan ng 10 minuto o hanggang malapit ng matuyuan. Ibuhos ang gata. Ihuli ang mga sili, kung nanaisin, gawing mas maanghang ang timpla ng bopis.

BOMBONES DE ARROZ

BOMBONES DE ARROZ

Mga Sangkap:

1 tasang malambot na kanin
2 itlog
6 na kutsarang purong gata ng niyog
½ kutsaritang asin
1 tasang arina
1 kutsaritang vanilla
2 kutsaritang baking powder
langis

Paraan;

Lutuin ang bigas hanggang maging malambot na kanin. Itabi sandali.
Pagsama-samahin at salain ang arina, baking powder at asin . ihalo ang mga itlog na binating mabuti. Isama ang gata ng niyog. Isunod ang kanin. Haluing mabuti. Isama ang vanilla. Papatakin ng kutsa-kutsara sa mainit na langis kung mapula na, hanguin at patuluin. Pahiran ng makapal na sirup saka ihain.

BOLA-BOLANG MAY CURRY

BOLA-BOLANG MAY CURRY

Mga Sangkap:

1 kilong giniling na baboy
2 tinadtad na sibuyas
2 buong itlog
2 kutsarang mantikilya
3 kutsarang curry powder
4 na tasang sabaw
3 kutsarang arina
1 kutsaritang dinikdik na bawang

Paraan;

Ihanda ang bola-bola sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng giniling, sibuyas (kalahati lamang) At dalawang itlog. Timplahan ng asin at paminta. Gawing bola-bola at papulahin sa kawali. Itabi sandali. Ihanda ang sarsa sa pamamagitan ng pagpapapula ng bawang sa mantika. Isunod ang kalahati ng sibuyas at lutuin. Paghaluin naman ang arina at curry powder. Isama sa sabaw at isalin sa niluluto. Haluing tuluyan upang maiwasan ang pamumuo. Kung malapot na, isalin sa bola-bolang inilagay sa baking dish. Ipasok sa pugong may katamtamang init.

BOLA-BOLANG ISDA SA SOTANGHON AT KINTSAY

BOLA-BOLANG ISDA SA SOTANGHON AT KINTSAY

Mga Sangkap:

2 ½ puswelong hiniwang kintsay
½ puswelong hinimay na laman ng isda
3 ½ kutsarang mantika
½ sibuyas bumbay, ginayat
1 itlog
1 puswelong sotanghon

Paraan;

Timplahan ng asin at paminta ang laman ng isdang binanlian o natirang prito. Batihin ang itlog at isama sa laman ng isda. Gumawa ng mga bola-bola. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Bayaang 5 minuto. Dagdagan ng tubig. Takpan at bayaang kumulo. Timplahan ng patis. Pagkatapos ay ibabad ang sotanghon sa tubig ay hiwaing mga 5 dali ang haba. Ilagay sa sabaw. Isunod ang bola-bola. Kapag luto na ay isunod ang kintsay. Bayaang 2 minuto. Ihaing mainit.

BOLA-BOLANG BAKA

BOLA-BOLANG BAKA

Mga Sangkap:

½ kilong baka
½ kilong patatas
½ tasang sibuyas
¼ tasang mantikilya
½ tasang tomato sauce
2 kutsarang celery, tadtarin
2 itlog
2 kutsarang asin
¼ tasang paminta
2 tasang arina

Paraan;

Paghaluin ang baka at minasang patatas.timplahan ng asin, paminta at samut-samot na pampalasa. Ihalo rin ang sibuyas na niluto sa mantikilya. Ihalo sa pinagsama-samang mga sangkap ang itlog. Hati-hatiin upang magawang bola-bola. Digpiin o palaparin sa tulong ng kaunting arina. Iprito sa mantika at ihaing may kasabay na tomato sauce.

BOLA-BOLANG BABOY NA MAANGHANG

BOLA-BOLANG BABOY NA MAANGHANG

Mga Sangkap:

2 puswelong giniling na baboy
2 kutsarang toyo
1 kutsaritang asukal
½ kutsaritang asin
½ kutsaritang paminta
1 kutsaritang gawgaw
2 sibuyas na mura, tinadtad
2 kutsaritang dinikdik na luya langis o mantikang pamprito

Paraan;

Initin muna ang paminta sa kawali bago dikdikin at salain. Isama sa iba pang sangkap, pati ang gawgaw, at haluing mabuti. Ilagay sa kawali ang mantika o langis at bayaang kumulo. Saka lamang simulang ihulog ang bola-bolang baboy. Bayaan sa mahinang apoy hanggang sa maluto.

BINAGOONGANG BABOY

BINAGOONGANG BABOY

MGA SANGKAP;

1 kilong laman ng baboy
1 ulo ng bawang
½ kilong kamatis, hinog
1 pirasong sibuyas
2 kutsara toyo
2 kutsara pamintang durog
2 tasang bagoong alamang
1 piraso dahon laurel
1 balot ng sabot (mabibili ito sa grocery o sa mga Chinese grocery)
1 kutsara asukal

PARAAN;

Sa kawali, igisa ang bawang at kamatis. Duruging maigi ang kamatis hanggang kumatas. Idagdag ang sibuyas. lagay ang baboy.
Pakatasin ang baboy, ilagay ang bagoong kapag namula na ang baboy. Ilagay ang toyo.paminta, laurel, sabot at asukal . Takpan at hayaang kumulo sa mahinang apoy. Haluin ng bahagya at hayaang kumulo hanggang lumambot ang karne. Tikman. Lagyan ng kaunting suka kung maalat. Hayaang kumulo. Ihain na may kasamang sariwang kamatis o nilagang okra sa tabi.

BEEF TAPA

BEEF TAPA

MGA SANGKAP;

1 kilo tenderloin, hiniwa ng maninipis
1 tasa patis
½ tasa asukal
¼ tasa iodized salt
3 kutsarang pamintang durog
1 ulo ng bawang, dinikdik

PARAAN;

Sa 1 malaking mangkok, paghalu-haluin ang lahat ng sangkap ibabad dito ang tenderloin. Ilagay sa refrigerator ng magdamag bago prituhin sa katamtamang apoy kinabukasan. Ang beef tapa ay masarap na pang almusal.

BEEF STROGANOFF

BEEF STROGANOFF

Mga Sangkap:

500 gramong lomo ng baka
mantikilya
3 kutsarang sherry
2 kutsarang mantikilya
1 kutsaritang tinadtad na bawang
1 sibuyas,tadtarin
1 kutsaritang tomato paste
4 na kutsarang arina
1 ¼ na tasang sabaw ng nilagang baka
1/3 tasang sour cream
asin, paminta, betsin
4 na onsang (125 g.) noodles

Paraan;

Hiwain ang baka ng 3 x ½ pulgadang hiwa. Papulahin ng mabilis sa mainit na mantikilya. Hanguin ang baka.
Ialagay sa kawali ang mainit na sherry, mantikilya, bawang at sibuyas. Lutuin ng isang minuto pa. isama ang tomato paste, arina at sabaw. Haluin hanggang kumulo. Isama ang sour cream, asin,paminta at betsin. Ibalik ang baka at lutuin ng tatlong minuto. Ihaing may kasamang noodles.

BEEF STEW

BEEF STEW

MGA SANGKAP;

1 kilong baka, hiniwa ng tig-1 ½ pulgada
4 pirasong bacon
4 ulo ng bawang, pinitpit
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
3 siling pula at berde,hiniwang pahaba
4-5 patatas hiniwa sa apat ng bahagi at bahagyang prinito
1 tasang gisantes
1 maliit na lata ng tomato paste o 2 lata ng tomato sauce
2 kutsarang asin
2 kutsarang bread crumps
1 kutsaritang betsin
2 carrots, hiniwa ng pakuwadrado
1 dahon ng laurel
1 ½ tasang tubig

PARAAN;

Prituhin ang bacon sa isang kawali sa mahinang apoy hanggang lumabas ang mantika nito at maging malutong. Ilagay sa isang tabi.
Sa parehong kawali, ilagay ang bawang at karne. Prituhin ang karne hanggang mamula. Idagdag ang sibuyas at tomato paste. Haluin at pakuluin ng 5 minuto. Idagdag ang tubig.laurel, at timplahan ng asin at betsin. Pakuluan hanggang lumambot ang karne. Dagdagan ng kaunting tubig kapag medyo natutuyuan. Kapag malapit ng maluto, ilagay ang gisantes, siling pula at berde, carrots, at piniritong patatas. Lutuin ng 10 minuto. Para lumapot ang sabaw, lagyan ng biskotso. Palamutian ng bacon sa ibabaw kapag ihahain na.

BATSOY

BATSOY

Mga Sangkap:

Laman ng baboy
Lamang loob, gaya ng atay, bato, taba, atbp.
Kutsay 
Luya
Sibuyas, patis at paminta
Asin
Ilang patatas na hiniwa
Isang sibuyas

Paraan;

Papulahin ang sibuyas, bawang at luya. Timplahan ng asin. Isama ang laman ng baboy, at lamang loob. Pakuluin hanggang sa lumambot. Ihulog ang patatas. Bago ihain ay isama ang kutsay. Ihain habang mainit.

BARBEKYU NA MAY LEMON

BARBEKYU NA MAY LEMON

Mga Sangkap:

3 tasang laman ng baboy, giniling 
¼ na tasang arina
¼ na tasang katas ng lemon
½ tasang sibuyas, tadtarin ng pino
1 itlog, batihing bahagya
2 ½ kutsaritang asin
¼ na tasang tomato sauce
¼ na tasang tomato catsup
¼ na tasang tubig
1 kutsaritang asukal
½ kutsaritang asin
1 kutsaritang dry mustard
¼ na kutsaritang allspice
6 na hiwang lemon, maninipis

Paraan;

Painitin muna ang pugon sa 350 F. sa isang malaking mangkok, pagsama-samahin ang giniling, arina, katas ng lemon, sibuyas, itlog at asin. Haluing mabuti. Gawing maliliit na patties,ilagay sa isang minantikang 13 x 9-inch baking pan. Ihurno ng 30 minuto pa. ugaliin ang pagpapahid ng sarsa para maiwasan ang pagkasunog. Ihaing may sarsa ang ibabaw ng patties.

BAKA NA MAY KAMATIS

BAKA NA MAY KAMATIS

Mga Sangkap:

3 hiwang tinapay
2 librang giniling na baka
2 kutsaritang asin
¼ kutsaritang paminta
1 sibuyas, gayatin
2 itlog, batihin ng bahagya
½ tasang gatas
1 latang tomato sauce (8 onsa)
3 patak na Tabasco sauce
1 kutsaritang asin
1 kutsaritang asukal
½ kutsaritang Worcestershire sauce

Paraan;

Ihalo ang tinapay sa giniling na baka timplahan ng 2 kutsaritang asin at ¼ kutsaritang paminta. Magtago ng 2 kutsarang ginayat na sibuyas. Ihalo ang iba pang sibuyas sa karne. Hubugin ang baka. Ihanda ang sarsa sa pamamagitan ng paghahalu-halo ng tomato sauce, ginayat na sibuyas, Worcestershire sauce, Tabasco, asin at asukal. Isalin ang sarsa sa meat loaf at ipasok sa pugong may 375 oF ang init. Hanguin pagkaraan ng mga 45 minuto.

BAKA AT SPINACH

BAKA AT SPINACH      

Mga Sangkap:

¼ na kilong lomo,(baka), hiwain ng pahaba
¼ na tasang tubig
2 kutsarang margarina
2 kutsarang gewgaw, tunawin sa 1 kutsaritang tubig
¼ na kutsaritang paminta
100 gramong spinach
1 kutsarang mama sita's marinating mix
asin 

Paraan;

Ibabad ang lomo sa mama sita's marinating mix sa loob ng 30 minuto. Igisa hanggang pumula ng bahagya. Timplahan ng asin at paminta. Isalin ang tubig at hayaang kumulo. Isama ang spinach. Isalin ang cornstarch na tinunaw sa kaunting tubig. Haluing mabuti saka ihain.

BAGOONG, OKRA'T MALUNGGAY

BAGOONG, OKRA'T MALUNGGAY

Mga Sangkap:

2 tasang kadyos, tuyo at sariwa
¼ na tasang bagoong
2 tasang okra
2 tasang kamatis
1 isda
2 tasang staw o paayap
2 tasang sibuyas
1/3 tasang malunggay
asin

Paraan;

Hugasan ang mga gulay. Linisin ang isda. Hiwain. Pakuluin sa isang tasang tubig ang kadyos. Samantala, ihanda ang okra at sitaw sa pamamagitan ng paghihiwa sa isang pulgadang haba. Ihiwalay sa tangkay ang mga dahon ng malunggay. Tadtarin ang mga kamatis at sibuyas. Iihaw ang isda. Ilagay sa kawali ang mga gulay. Salinan ng ½ tasang tubig. Pagkulo, ihalo ang bagoong. Isama rin ang nilutong kadyos at isda. Ihaing mainit.


BAGOONG NA MGA ITLOG NG ISDA

BAGOONG NA MGA ITLOG NG ISDA

Mga Sangkap:

3 tasang mga itlog ng isda
3 tasang asing pangkaraniwan
1 tasang suka
1 tasang pulbos ng angkak

Paraan;

Ilalahok ang asin sa mga itlog ng isda at ilalagay ito sa isang botelyang maluwang ang bibig. Pagkaraan ng tatlong araw ay susukan at sasamahan ng tinunaw na angkak. Kung ibig ay maaaring lahukan ng ginayat na dayap upang bumango. Sa ganito ring paraan mababagoong ang isdang maliliit na tigalawang pulgada.

BAGOONG ALAMANG

BAGOONG ALAMANG

MGA SANGKAP;

1 tasang alamang
2 ulo ng bawang, pinitpit
1 maliit na sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na kamatis, hiniwa-hiwa

PARAAN;

Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis sa kaunting mantika. Idagdag ang alamang. Igisa hanggang maluto ang alamang. Kung nanaisin, maaaring lagyan ng kaunting asukal upang tumamis at maging malinamnam ang bagoong.


ATAY NG BABOY NA KILAWIN

ATAY NG BABOY NA KILAWIN

Mga Sangkap:

½ kilong atay ng baboy
½ kutsaritang paminta
½ tasang tubig
¼ na kilong laman ng baboy
2 kutsarang asin
1 tasang hiniwang labanos
1 sibuyas
½ tasang hiniwang kamatis
½ tasang suka
5 kutsarang mantika
5 butil ng bawang
pulang sili

Paraan;

Hiwain ang laman at atay ng baboy sa maliliit na piraso. Igisa ang bawang. Kung mapula na, isama ang sibuyas at kamatis. Ihalo ang laman ng baboy at timplahan ng asin at paminta.isalin ang suka at tubig. Kung malambot na ang laman ng baboy, isama ang atay, labanos at sili. Lutuin ng ilang minuto. Hanguin.

ATAY AT BALUN-BALUNAN

ATAY AT BALUN-BALUNAN

Mga Sangkap:

½ kilo atay at balun-balunan
¼ kilong cauliflower
1/8 kilong carrots
1 sibuyas, hiniwa
2 kutsarang arina
toyo at asin, mantika

Paraan;

Hugasan ang atay at balun-balunan. Gayatin ng maliit. Unang igisa ang mga gulay. Hanguin sunod igisa ang atay at balun-balunan. Pag malambot na ay isama ang mga gulay. Magtunaw ng arina sa kaunting tubig at idagdag upang magsilbing sarsa.

ATAY

ATAY 

Mga Sangkap:

1 tasang atay
2 sibuyas, tadtarin
1 kutsarang bawang 
3 kutsarang perrins sauce
½ tasang pula at berdeng sili

Paraan;

Hiwa-hiwain ng maninipis ang atay. Igisa sa langis ang bawang, sibuyas at atay. Timplahan ng asin at paminta upang magkalasa. Ihalo ang mga hiwa ng sili.isalin ang perrins sauce bago hanguin.


ASPARAGUS AT SAUCE

ASPARAGUS AT SAUCE

Mga Sangkap:

1 tasang medium white sauce
2 itlog, batihin
2 tasang asparagus
½ kutsaritang asin
1/8 kutsaritang paminta
2 kutsarang sibuyas

Paraan;

Hiwa-hiwain ang asparagus. Tunawin sa kawali ang matikilya. Ihalo ang sibuyas, sauce, asin at paminta. Isama rito ang binating itlog. isalin sa timbale cup na pinahiran ng mantika. Ihurno sa pugong may katamtamang init.


ASADO (MACAO STYLE)

ASADO (MACAO STYLE)

MGA SANGKAP;

1 kilong pork chop or sparerib
2 kutsarang toyo
½ tasang asukal na pula
1 kutsarang asin
1 kutsarang pamintang durog
1 tasang tubig
½ dahon ng laurel
5 ulo ng bawang, pinitpit
10 pirasong star anis
4-5 pirasong tuyong mushrooms (tengang daga)
1 kutsaritang betsin
½ tasang pinalutong kasoy

PARAAN; 

Sa isang kaserola, pagsamahin lahat ng sangkap, maliban sa kasoy, at pakuluan ditto ang karne. Dagdagan ng tubig kapag natuyuan ang karne upang ito'y hindi masunog. Pakuluan ito sa mahinang apoy hanggang lumapot ang sarsa. Ibudbod ang kasoy kapag ihahain na. Palamutian ng dahon ng sibuyas na hiniwa ng tig-2 pulgada.


ARROZ PILIPINO

ARROZ PILIPINO

Mga Sangkap:

1 tasang bigas na maputi ang pagkakahugas
½ sisiw o manok na hindi kalakihan
3 kamatis na ginayat at hinog
3 butil na bawang
1 sibuyas na ginayat
3 siling kastila na hilaw at sariwa
2 kutsarang paminton o atsuwete
2 kutsarang mantika

Paraan;

Magpapabango ng bawang sa mantika. Isusunod ang kamatis, sibuyas at manok na pinagputul-putol, pabayaang mapagisa sa loob ng limang minuto, pagkatapos ay isasama ang iba pang kalahok at pababayaan sa apoy ng mga limang minuto pa, saka sasabawan ng 2 tasang tubig at tatagal sa apoy ng mga sampung minuto naman.

ARROZ ESPANOL

ARROZ ESPANOL

Mga Sangkap:

6 na pirasong bacon, tinadtad
1 ½ librang karne, giniling
1 puswelong bigas
1 sibuyas bumbay, tinadtad
1 kutsaritang asin
4 na puswelong tomato juice
1 kutsarang paprika

Paraan;

Iprito ang bacon at itabi ang mantikang titigis. Igisa sa ibang mantika ang sibuyas at karne. Idagdag ang asin. Hugasan ang bigas, at patuluin. Isama ang ½ puswelo ng tomato juice at paprika sa karne, isalin ang hulmahang minantikaan at iluto sa hurnong may katamtamang init hanggang sa lumambot ang bigas. Habang niluluto ay idagdag na unti-unti ang nalalabing tomato juice.

ARROZ ALA VALENCIANA

ARROZ ALA VALENCIANA

Mga Sangkap:

1 manok o sisiw
5 nilagang itlog
4 siling kastila
5 kamatis
1 ½ tasang bigas o malagkit
½ kilong longganisa
3 sibuyas, hiniwa
2 kutsarang mantikilya

Paraan;

Ang mga sisiw o manok ay nararapat na lutuing mauna. Ilalagay sa isang kawali ang katatagang dami ng mantika sa bigas na ihahalo, lalagyan ng hiniwang bawang, at kapag nangangamoy na ay isama ang pirasong sisiw o manok, pagkaraan ng ilang sandali ay isusunod ang siling malalaking mura na hiniwang pahaba, gisantes , at garbanzos. Pagkatapo na malutong mabuti at magisa ang lahat ng ito ay sasabawan ng tubig o sabaw ng putsero, magdikdik ng luyang dilaw at paminta na ihahalo sa sabaw, at kapag ito'y kumukulo na ay ihahalo ang bigas at hahaluin ng sandok ng tumalatag na mabuti sa ilalim ang bigas at pumaibabaw ang mga sangkap. Pagkatapos ay tatakpan at hahayaang maluto at kainin. Ang ihahalong bigas ay hugasan.

ARROZ ALA VALENCIANA

ARROZ ALA VALENCIANA

MGA SANGKAP;

1 ½ tasang malagkit na bigas
1 ½ tasang bigas
1 ½ kutsaritang asin
5 tasang gata
½ tasang mantika
1 dumalagang manok, hiniwa ng katamtamang laki
½ kilong baboy, hiniwa ng katamtamang laki
2 kutsarang bawang, pinitpit
1 malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
1 kutsarang asin
¼ kutsaritang pamintang durog
¼ kutsaritang paprika
6 patatas, hiniwa sa apat na bahagi at prinito ng bahagya
1 maliit na lata ng gisantes
1 siling pula, hiniwa ng pahaba
2 nilagang itlog
buto ng achuete
tinadtad na parsley

PARAAN;

Sa isang kawali, pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang ordinaryong. Bigas at gata at timplahan ng asin. Haluin ng paminsan-minsan upang hindi dumikit sa kawali. Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi. Sa parehong mantika, ilagay ang achuete hanggang sa ito'y kumulay. Alisin ang buto ng achuete. Igisa ang bawang at sibuyas at ibuhos ang tomato sauce. Timplahan ng asin at paminta. Idagdag ang karne at pakuluan hanggang maluto. Ilagay ang karne. Idagdag ang ordinaryo at malagkit na bigas. Haluing mabuti. Ilagay ang natitirang sangkap maliban sa itlog at parsley. Ihain sa isang malaking plato at palamutian ng itlog at parsley.

ARROZ ALA FILIPINA

ARROZ ALA FILIPINA

Mga Sangkap:

1 tasang malagkit, niluto
1 tasang kanin, niluto
1 maliit na manok, hiniwa
3 butil na bawang, dinikdik
1 sibuyas, hiniwa
3 hinog na kamatis, hiniwa
4 na kutsarang mantika
3 siling kastila (berde), hiniwa ng pahaba
1 maliit na kahon ng pasas
1 nilagang itlog, hiniwa
atsuwete, ibinabad sa 1/3 tasa ng tubig

Paraan;

Igisa ang bawang, sibuyas, kamatis at manok. Takpan. Kung namumula ang manok at lagyan ng tubig at lutuin hanggang sa lumambot. Pagkaraa'y idagdag ang sili at lutuin ng ilang minuto. Idagdag ang tubig ng atsuweteng pangkulay. Isunod ang kanin, malagkit at pasas. Haluin paminsan-minsan ang niluluto upang huwag manikit. Ipagpatiloy ang pagluluto sa mahinang init. Timplahan ng asin. Palamutian ng itlog at siling pula at berde.

ARROZ ALA CUBANA

ARROZ ALA CUBANA

Mga Sangkap:

1 malaking kamatis
1 puswelong bigas
1 sibuyas bumbay
3 saging sa saba
2 piniritong itlog ng manok
½ librang karne
½ puswelong pasas
½ kutsaritang asin
paminta
Isaing ang bigas at itabi

Paraan;

Gayatin ang sibuyas at kamatis at igisa sa mantika. Isunod ang pasas at ang hiniwang saging sa saba. Ilaga ang karne, at kapag malambot na ay ilagay sa isang bandehado. Ipaligid dito ang iba pang sangkap. Sa ibabaw ng karne ay ilagay ang piniritong itlog.

AMPALAYANG MAY LAHOK NA HIPONG MALIIT

AMPALAYANG MAY LAHOK NA HIPONG MALIIT

Mga Sangkap;

3 ampalaya o amargoso
3 bagong itlog ng manok
3 hinog na kamatis
4 na kutsarang hipong maliit
1 sibuyas
3 butil na bawang
3 kutsarang mantika
katamtamang asin

Paraan;

Gagayatin ang mga ampalaya o amargoso ng manipis at lalamasin sa dalawang dakot ng asin, upang lumabas ng katas at ibabad sa tubig sa loob ng dalawang oras at bawa't kalahating oras at papalitan ng tubig at pipigaing mabuti ang ampalaya. Magpapabango ng bawang sa mantika, saka isusunod ang sibuyas at kamatis sa loob ng 15 minuto. Katapus-tapusan ay ilalahok ang itlog na binati at hahanguin agad sa pagkasigang ang niluluto.

Huwebes, Abril 09, 2009

ALIMASAG AT SOTANGHON

ALIMASAG AT SOTANGHON

Mga Sangkap:

4 na alimasag
4 na kutsarang mantika
1 sibuyas
1 kutsarang sibuyas
½ kutsaritang patis
2 tasang sotanghon
paminta at bawang

Paraan;

Linisin ang alimasag saka ilaga hanggang maluto. Alisin ang laman sa balat. Himayin ang laman. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Ihalo ang laman ng alimasag. Unti-unting sabawan. Haluing tuluyan. Isama ang pinutul-putol na sotanghon. Pakukuin hanggang maluto ang mga sangkap. Timplahan ng asin at paminta. Ihaing may kasabay na mga hiwa ng sibuyas.

ALIMANGONG LUTONG- MAKAW

ALIMANGONG LUTONG- MAKAW

Mga Sangkap:

4 na alimango, katamtaman ang laki
½ puswelong kintsay, hiniwang maliit
1 puswelong tokwa, hiniwang pakuwadrado, ½ pulgada
1 sibuyas
¼ kilong repolyo
2 butil na bawang
1 kutsaritang arina
1 kutsaritang toyo

Paraan;

Ihalabos ang alimango, hindi gaanong luto. Himayin ang laman. Iprito ang tokwa at itabi. Igisa ang bawang, sibuyas at kintsay. Timplahan ng toyo at ihalo ang alimango at repolyo, na hiniwang pahaba at makitid. Isunod ang tokwa. Bayaang ilang sandali sa apoy. Lagyan ng ½ puswelong tubig. Bayaang malanta ang repolyo. Itabi sa gilid ng pinaglulutuan ang mga sangkap at ihalo sa sabaw ang tinunaw na arina. Haluing hanggang sa lumapot.


ALIMANGO AT PIPINO

ALIMANGO AT PIPINO

Mga Sangkap:

6 na hinog na kamatis
1 tasang laman ng alimango o alimasag
¼ na tasang suka
2 kutsarang asukal
1 pipino
celery, letsugas, paminta, asin

Paraan;

Banlian ng kumukulong tubig ang mga kamatis. Talupan. Hiwain ang ibabaw. Kayurin ng bahagya ang gitna. Hiwa-hiwain ang paligid ng kamatis para maging mga parang petalo. Budburan ng asin at paminta. Paghaluin ang celery at letsugas (hiniwa ng pino). Isama rin ang laman ng alimango o alimasag. Haluan ng French dressing. Lagyan ng isang kutsara nito ang gitna ng kamatis. Talupan at hiwain ng manipis ang pipino. Itusok sa mga kamatis. Ihain.
 ,

ALIMANGO AT MAYONESA

ALIMANGO AT MAYONESA

Mga Sangkap:

6 na alimango o alimasag, ilaga
½ tasang tinadtad na celery
3 nilagang itlog, tadtarin
asin at paminta, tinadtad na sibuyas
3 kutsarang katas ng kalamansi
mayonesa

Paraan;

Hati-hatiin ang nilagang alimango. Itabi ang mga talukab at sipit. Himayin ang laman ng alimango o alimasag saka pigaan ng katas ng kalamansi. Ihalo ang celery, itlog at mayonesa. Timplahan ng pampalasa. Ibalik sa talukab ng alimango o alimasag. Iayos sa paligid ang mga sipit mga hiwa ng kamatis at kintsay.

AGRA DULCE

AGRA DULCE

Mga Sangkap:

1 manok na dumalaga
2 kutsarang toyo
1 kutsaritang betsin
1 kutsaritang asin
1 puswelong arina
4 itlog
1 puswelong suka
1 puswelong tubig
1 puswelong asukal
4 na puswelong atsarang nakabote, hiniwa
2 kutsarang gewgaw

Paraan;

Hiwain ang manok ng pakuwadrado, 1 pulgadang parisukat. Pagsama-samahin ang toyo, asin at betsin at itimpla sa manok. Bayaang 10 hanggang 15 minuto. Pagsamahin ang itlog at arina. Dito ilubog ang bawat piraso ng manok at iprito. Ilagay sa isang kaserola ang suka, tubig at asukal. Haluing mabuti upang matunaw ang asukal. Idagdag ang atsara at manok. Haluing mabuti. Tunawin ang gewgaw sa ½ puswelong tubig at isama sa manok. Haluing mabuti upang hindi magbugal-bugal ang sarsa. Bayaang kuluan ng 5 minuto pa.ihaing may kasamang sinangag na kanin.


ARROZ ALA VALENCIANA

ARROZ ALA VALENCIANA

MGA SANGKAP;

1 ½ tasang malagkit na bigas
1 ½ tasang bigas
1 ½ kutsaritang asin
5 tasang gata
½ tasang mantika
1 dumalagang manok, hiniwa ng katamtamang laki
½ kilong baboy, hiniwa ng katamtamang laki
2 kutsarang bawang, pinitpit
1 malaking sibuyas, hiniwa-hiwa
1 maliit na lata ng tomato sauce
1 kutsarang asin
¼ kutsaritang pamintang durog
¼ kutsaritang paprika
6 patatas, hiniwa sa apat na bahagi at prinito ng bahagya
1 maliit na lata ng gisantes
1 siling pula, hiniwa ng pahaba
2 nilagang itlog
buto ng achuete
tinadtad na parsley

PARAAN;

Sa isang kawali, pakuluan ang malagkit na bigas kasama ang ordinaryong. Bigas at gata at timplahan ng asin. Haluin ng paminsan-minsan upang hindi dumikit sa kawali. Prituhin ang manok at ilagay sa isang tabi. Sa parehong mantika, ilagay ang achuete hanggang sa ito'y kumulay. Alisin ang buto ng achuete. Igisa ang bawang at sibuyas at ibuhos ang tomato sauce. Timplahan ng asin at paminta. Idagdag ang karne at pakuluan hanggang maluto. Ilagay ang karne. Idagdag ang ordinaryo at malagkit na bigas. Haluing mabuti. Ilagay ang natitirang sangkap maliban sa itlog at parsley. Ihain sa isang malaking plato at palamutian ng itlog at parsley.

AFRITADA

AFRITADA

MGA SANGKAP;

1 kilong manok, hiniwa sa katamtamang laki
½ kilong kasim ng baboy, hiniwa ng pakuwadrado
1 kilong hinog na kamatis
4 pirasong patatas, hiniwa ng pakuwadrado
2 pirasong sibuyas
1 ulo ng bawang
2 pirasong siling pula, hiniwa ng pahaba
2 pirasong siling berde, hiniwa ng pahaba
2 dahon ng laurel
3 kutsarang suka
asin, paminta

PARAAN;

Iprito ang kasim at manok hanggang mamula ng bahagya. Ilagay sa isang tabi. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Durugin ng maigi ang kamatis. Ilagay ang kasim, laurel at suka. Pakuluin hanggang lumambot ang kasim, idagdag ang manok at patatas. Ihuling idagdag ang siling pula at berde. Timplahan ng asin at paminta ayon sa panlasa.

BARBEQUE (PINOY STYLE)

BARBEQUE (PINOY STYLE)

MGA SANGKAP;

½ kilong baboy, hiniwa ng pababa
¼ tasang toyo
5 ulo ng bawang
2 kutsarang sukang puti
2 kutsarang asukal na pula
¼ tasang tomato catsu

PARAAN;

Ibabad ang baboy sa toyo,bawang, suka at asukal. Ilagay sa isang tabi nang magdamag. Painitin ang ihawan. Tusukin ng barbecue stick ang baboy. Ihawin ang baboy. Pahiran ito ng pinagbabaran ng baboy na nilagyan ng catsup. Ihain habang mainit. Ang barbecue ay maaaring ulamin sa kanin o papakin. Maari ding gamitin ang molasses kaysa sa asukal upang magkaroon ng ibang lasa ang babecue.


Lunes, Abril 06, 2009

Pakam na Manok sa Buko

Pakam na Manok sa Buko

Mga Sangkap:

180gramong  boneless na manok(Pwede ring chicken Breast)
1 kutsarita ng veg. cooking oil
1 piraso ng puti ng itlog
½ buko shell(bao ng niyog
½ tasa ng kakang gata
½ tasa ng sabaw ng buko
½ tasa ng chicken stock
2 kutsarita ng suka
3gramo ng lemon grass(tanlad)
5gramo ng dilaw na luya
5gramo ng tinadtad na sibuyas

Paraan ng Pagluluto:

Igisa ang manok hanggang sa ito ay maging Brown. Idagdag ang tinadtad na sibuyas at ang suka. Bayaang kumulo muna hanggang sa kumaunti ang suka. Kapag medyo namuo na ang karne idagdag ang lemon grass, luya, asin at betsin.
Ibuhos ang kakang gata at haluin hangang sa makitang kumukulo ang sarsa nito. Kapag malambot na ang manok alisin sa apoy at ibuhos O isalin sa Bao ng niyog.
Ilagay ang binating puti ng itlog sa ibabaw ng manok at ilagay sa oven broiler hangang sa ang manok ay maging golden brown..
Ihain ng mainit.

Manok Inasal

Manok Inasal

Mga Sangkap:

1 buong manok
1 kutsarang asukal
¼ tasang sukang tagalong
1 kutsarang katas ng kalamansi
3 kutsarang toyo
Katas ng atsuete
Asin


Paraan ng pagluluto:

Ibabad ang nilinis at hiniwang manok sa magkakahalong bawang, suka, katas ng kalamansi, toyo, asin at asukal. Ibabad ng ilang oras.
Tusukin sa Stick o skewer at iihaw. Pahiran ng pinaghalong langis at katas ng atsuete habang iniihaw.