Lunes, Abril 06, 2009

Siniliang Manok

Siniliang Manok

Mga Sangkap:

1 buong manok na tinadtad na.
1 tasang tomatoe sauce
1 tangkay na celery na hiniwa na
1 berde at pulang sili, hiniwa ng pabilog(ring)
¼ tasa ng ginadgad na keso
¼ tasang hotdog
½tasang green olives
2kutsaritang betsin
Asin, paminta, mantikang pamprito at dinikdik na bawang.

Paraan ng Pagluluto:

Ilaga muna ang manok hanggang sa lumambot ito. Igisa ang bawang at sibuyas. Ihalo ang Tomato sauce,tubig at sabaw. Ipagpatuloy ang pagluluto sa mahinang apoy sa loob ng 5 minute. Isama ang iba pang mga sangkap, kasama ang hotdog at betsin.
Timplahan ng asin at paminta. 
Ihain ng mainit pa.

Manok Galantina

Manok Galantina

Mga Sangkap:

1 buong manok na inalisan ng buto
1 kutsara ng toyo
½ kutsarita ng asin
½ tasa ng keso na ginadgad
 ½ tasang celery na tinadtad na
¼ ng pickle relish cheddar cheese, hiniwa
¼ kutsarita ng sili, dinikdik
4-5 karot na hiniwa na
5 itlog na binate
500 gramo ng chorizo, giniling na
2 lata ng Vienna sausage(magtira ng 2 piraso para sa palaman)

Paraan ng Pagluluto:
Ibabad ang manok sa toyo, sili, asin at katas ng kalamansi sa loob ng isang oras. O dili kaya para maging malasa, sa loob ng magdamag sa loob ng pridyeder. Pagsamahin ang lahat ng mga sangkap para sa palaman(stuffing) at punuin ang manok. Tahiin ang nakabukas na parte ng dahan dahan. Ibalot sa palara(Foil) o cheese cloth at pakuluan sa chicken stock sa loob ng 30 hanggang 15 minuto. Palamigin at alisin sa palara. 

Para sa Sarsa: Magtunaw ng dalawang kutsara ng butter,magdagdag ng 3 kutsara ng arina at dahan-dahang buhusan ng 2 tasa ng chicken broth(chicken stock) Haluin paminsan-minsan para hindi masyadong lumapot. Magdagdag ng 1 kutsarita ng gatas at timplahan ng asin, sili, at isang kurot ng basil leaves. Lutuin hanggang sa ang pagkakahalo-halo ay maging malapot na sarsa.

Pinasingawang Manok sa Buko

Pinasingawang Manok sa Buko

Mga Sangkap:

¼ kilo ng flaked chicken
½ kilo ng hiniwang berdeng sili
2 murang dahon ng sibuyas, ginayat
3 piraso ng water chesnut
1 tasa ng gata ng niyog
1 parte ng sariwang buko na hinati sa gitna(ang kalahti ay magsisilbing pantakip)

Paraan ng pagluluto:

Igisa ang mga sangkap sa kaunting sibuyas at mantika. Ibuhos ang gata ng niyog at haluin ng kaunti hanggang sa lumapot. Hanguin ang pinaghalo-halong sangkap at ilagay ang mga ito sa isang hinating parte ng buko. Itakip ang isang kalahating parte ng buko sa hinangong sangkap.
Pasingawan(steam) sa loob ng limang minute at pagkaraan ay maari na ring hanguin. Isilbi ng mainit-init pa.




Manok na Barbecue

Manok na Barbecue

Mga sangkap:

1 kutsarang bawang na pinitpit
1 sibuyas na tinadtad ng pinong pino
2 kutsarang suka
3 patak ng Tabasco(mabibili ng naka bote)
4 kutsarang Worcestershire sauce(mabibili ng naka bote)
1 kutsaritang asin
2 kutsarang ketsup
½ tasang mantikang pamprito
2 manok o isang manok na may timbang na mahigit na isang kilo

Paraan ng pagluluto:

Hugasan ng mabuti ang manok, kung nabili ito sa mga supermarket o maging sa palengke. Hiwain ayon sa gusting hiwa. Painitin ang kawaling paglulutuan. Ilagay ang mantikang pamprito. Kapag mainit na, ilagay ang manok at papulahin(golden brown)
Pagsama-samahin ang ketsup, asukal, asin, Worcestershire, suka, Tabasco, sibuyas at bawang. Haluing mabuti at ilagay sa pinapulang manok sa lutuan o kawali.
Ipagpatuloy ang pagkakasalang sa mahinang apoy lamang sa loob ng 10 minuto. Haluin paminsan minsan. Ihain ng mainit pa. Lasap na lasap ang taglay na sarap ng nilutong manok.

Sabado, Abril 04, 2009

Adobong manok sa Gata

Ang adobo ay isa sa mga pinaka-popular at pinaka-kilalang tradisyunal na lutuing Pilipino sa loob at labas ng Pilipinas.


Narito ang isang Bersyon ng ADOBONG MANOK:

ADOBONG MANOK SA GATA

Mga Sangkap:
1 kilo ng manok na hiniwa syon sa gustong laki
1/2 tasa ng suka
2 piraso ng bawang na dinurog o dinikdik
2 piraso ng siling labuyo
1 maliit na piraso ng luya
1/4 kutsarita ng paminta durog
1 maliit na dahong laurel
1 kutsarita ng asin
1/2  tasa ng malapot na gata ng niyog
3 kutsara ng mantikang pamprito

Pamamaraan:
Pagsamahin ang lahat ng mga sangkap maliban sa gata ng niyog at pabayaang magkahalo-halo sa loob ng 30 minuto(ibabad ng 30 minuto). ilagay sa kawali, takpan at pasulakin hanggang sa lumambot ang manok.

Patuluin at itabi ang naging sabaw. Magpainit ng mantika sa isang kawali at iprito ang manok hanggang pumula. Ibuhos ang lahat ng taba mula sa pinagprituhan. Magdagdag uli ng sarsa at pasulakin ng walang takip hanggang sa ang likido o sabaw ay maging 1 1/4 tasa na lamang.

idagdag ang gata ng niyog. Haluin sa pamamagitan ng sandok. iluto pa ng may 2 hanggang 3 minuto. Ihainb ng mainit.

Maaring ulamin ng anim katao.