Linggo, Abril 12, 2009

BOLA-BOLANG ISDA SA SOTANGHON AT KINTSAY

BOLA-BOLANG ISDA SA SOTANGHON AT KINTSAY

Mga Sangkap:

2 ½ puswelong hiniwang kintsay
½ puswelong hinimay na laman ng isda
3 ½ kutsarang mantika
½ sibuyas bumbay, ginayat
1 itlog
1 puswelong sotanghon

Paraan;

Timplahan ng asin at paminta ang laman ng isdang binanlian o natirang prito. Batihin ang itlog at isama sa laman ng isda. Gumawa ng mga bola-bola. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika. Bayaang 5 minuto. Dagdagan ng tubig. Takpan at bayaang kumulo. Timplahan ng patis. Pagkatapos ay ibabad ang sotanghon sa tubig ay hiwaing mga 5 dali ang haba. Ilagay sa sabaw. Isunod ang bola-bola. Kapag luto na ay isunod ang kintsay. Bayaang 2 minuto. Ihaing mainit.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento