Martes, Marso 22, 2011

Atsarang Papaya



MGA SANGKAP;

1 tasang hilaw na papaya (kulay berde)
¾ tasang suka
¾ tasang asukal
¾ kutsarang asin
4 ulo ng bawang, hiniwa ng manipis
1 luya, hiniwa ng manipis na parang posporo
1 katamtaman laking sibuyas, tinadtad
1 tasang carrots, tinadtad
1 siling berde (pansigang) hiniwa ng manipis at pahaba
1 siling pula, hiniwa ng manipis at pahaba.

PARAAN;

Hugasan, gayatin at pigaan ng 4-5 beses hanggang matuyo ang papaya. Pakuluan ang suka, asukal at asin sa isang maliit na kaserola. Idagdag ang bawang,luya at sibuyas. Pakuluan ng bahagya ang papaya. Ilagay ang carrots at mga sili. Pakuluan muli habang hinahalo ang mga pinagsamang sangkap. Alisin sa kaserola at iimbak sa isang malinis na garapon.

6 (na) komento:

  1. ma try nga tong atsara n to msarap kya..slmat sa recipe mo..


    "kate"

    TumugonBurahin
  2. Salamat sa recipe! Gagawin ko to mamaya at masarap mag ganito ngayon summer! :)

    Playgroup Singapore

    TumugonBurahin
  3. Very interesting blog. A lot of blogs I see these days don't really provide anything that attract others, but I'm most definitely interested in this one. Just thought that I would post and let you know.

    TumugonBurahin