Sabado, Enero 01, 2011

BANANA CUE




MGA SANGKAP;

8 lumpia wrapper
4 saging na saba
pulang asukal
langka
mantika

PARAAN;

Painitin ang mantika sa isang kawali. Hiwain ng pahaba sa gitna ang saging. Ilagay ang saging sa lumpia wrapper. Lagyan ng langka at kaunting asukal ang ibabaw ang saging. Ibalot ang saging sa lumpia wrapper. Pahiran ng kaunting tubig ang dulo ng wrapper upang sumara ito. Ipirito ang saging ng lubog sa mantika. Budburang ng asukal ang piniritong saging. Tusuk-tusukin ito ng barbecue stick. Dalawang saging sa isang stick. Kung nanaisin, maari ding gamitin ang kamote. Hiwain ang kamote ng pahaba o pabilog.

AVOCADO TACOS


MGA SANGKAP;

1 maliit na avocado, binalatan, hiniwa sa gitna at dinurog
1 kamatis, binalatan, inalis ang buto at hiniwa-hiwa
¼ tasang sibuyas, tinadtad
1 ulo ng bawang, dinikdik
1 ½ kutsaritang lemon o calamansi juice
Tabasco sauce o hot sauce
1 kutsaritang asin
¼ kutsaritang chili powder
9 pirasong corn tortillas (mabibili ito sa mga grocery)
vegetables oil
1 ½ tasang letsugas, ginayat
½ tasang cheddar cheese, ginayat

PARAAN;

Sa isang mangkok, paghaluin ang avocado at kamatis. Idagdag ang bawang, sibuyas, Tabasco sauce o hot sauce, lemon o calamansi juice, asin, chili powder. Palamigin sa refrigerator. Hatiin sa apat ang tortillas. Sa isang sauce pan, painitin ang vegetables oil. Iprito dito ang tortillas hanggang lumutong. Patuluin ang vegetable oil sa paper towel. Ilatag ang prinitong tortilla sa plato. Ilagay sa ibabaw ang letsugas at avocado. Palamutian ng kamatis at cheddar cheese.

AVOCADO BOAT


Mga Sangkap:

6 na hinog na avocado
1 maliit na kahong pasas
1 tasang langka, hinog at hiniwa ng makikitid at pahaba
1 latang gatas na condensada
½ tasang ginadgad na keso
1 maliit na hinog na papaya

Paraan;

Painitin sa ibabaw ng magkapatong na lutuan ang magkakahalong gatas na condensada at keso. Kung malapot na, alisin sa apoy at palamigin. Paghalu-haluin ang papaya, pasas at langka. Isalin sa mga prutas ang magkahalong gatas at keso, hati-hatiin ang mga avocado. Lagyan ng inihanda. Palamigin saka ihain.